Ang Celebrity Football Heartthrob ng Pilipinas

Isa siya naging kilalang heartthrob ng Pilipinas nang ang football team Azkals ay nagwagi laban sa Vietnam’s team noong 2005, Phil Younghusband, 24, at ipinanganak sa Ashford, Middlesex, England. Siya ay nakababatang kapatid ni James Younghusband na isa ring membro sa koponan ng Azkals. Ang kanilang mga magulang ay isang Ingles at isang Filipino.
Murang gulang lamang si Phil noon nang sumabak siya sa karera ng Chelsea. Siya ay gumanap bilang isang striker at naging isang propesyonal na manlalaro simula noong Marso, taon 2005 sa edad na siyam.
Tignan sa ibaba ang tagumpay ni Phil Younghusband ayon sa taon sa ilalim ng kanyang karera sa Chelsea:
• Taong 2003 hanggang 2004, sa panahong ito, si Phil ay ang nangungunang napakagaling na manlalaro sa lahat ng mga kabataan sa koponan.
• Taon 2004 sa buwan ng Nobyembre ay ginawa niya ang kauna-unahan niyang reserba.
• Taon 2004 hanggang 2005 siya pa rin ang nangungunang napakagaling na manlalaro pagdating sa puntosan sa lahat ng kabataan sa koponan.
• Taon 2005 hanggang 2006, siya ay lumantad ng ika-21 beses para sa Chelsea Reserve Team, kabilang na dito ang 18 na pagsisimula, at nakapuntos sa goal ng 5 beses. At sa loob ng mga taong ito, si Phil ay naging (substitute) o kapalitan para sa koponan ng Chelsea.
• Agosto 30, 2007, siya ay pumirma ng kontrata sa Danish top-league club Esbjerg fB, ngunit bumalik rin siya sa Chelsea Team sa buwan ng Enero. Sa mga panahon nang siya ay naglalaro sa koponan ng Chelsea Reserve, si Phil ay nakapuntos ng ika-9 beses sa goal sa loob ng 41 apps 2 seasons.
• Taon 2008 nang matapos ang kontrata niya sa Chelsea at lumipat siya sa Pilipinas.
Ang internasyunal karera ni Phil Younghusband:
Naglaro siya para sa Pilipinas sa U-23 (SEAG) Southeast Asian Games noong 2005. Nagawa niyang makapuntos ng 2 goals para sa koponan laban sa Malaysia 4-2. Kabilang din siya sa mga Seniors National Team ng bansa, at lumahok siya sa (ASEAN) The Association of Southeast Asian Nations Football Championship; nakapuntos na naman siya ng 6 goals sa 4 na paglantad, kung saan nangunguna siya bilang top scorer sa mga kwalipikado.
At simula sa mga panahong iyon, si Phil ay naging kilala at isa sa pinaka-tinatangkilik na celebrity football player ng bansa ng Pilipinas. Pagkatapos ng mga karanasan na minsan ay nakakapanghina dahil sa mga matitinding hamon at ilang mga pinsala, ang football heartthrob na si Phil Younghusband ay sa wakas ay nagpapakita ng kanyang kaibuturang lihim tungkol sa kanyang karera, tungkol sa kanyang personal na buhay at sa football, at may pagkakataon ding tungkol sa buhay pag-ibig niya na kasalukuyang inuugnay kay Angel Locsin, na isa sa pinaka-idolong babaeng artista sa Pilipinas, sa pamamagitan ng ilang showbiz talk show.
Ngayon, si Phil ay isa na ngang bantog na football player na nakikipagsapalaran sa recording, acting, at pagmomodelo din maliban sa paglalaro, habang tinatamasa ang kanyang tagumpay sa laro sa koponan ng koponan Azkals at ang kanyang katanyagan naman na lumago. Paano na lang kaya kung magkaroon pa siya ng pagkakataong makapareha si Ms. Angel Locsin sa isang pelikula?
HM6ZZ52BAFYH

0 comments Add a comment