80 % Labanang Pacquiao Fight at Mayweather Kumpirmado
Noong nakaraang linggo, ayon sa pinakamahusay na WBO welterweight champion, Manny Pacquiao, na ang kanyang pinaka-aabangang laro sa boksing laban kay Floyd Mayweather Jr, na isang WBC ay tinatayang 80 porsiyento ng sigurado na maaring magaganap sa Mayo 5 sa susunod na taon.
Anuman ang isiniwalay ni Pacquiao, ito man ay ang tungkol sa lugar o sa gantimpalang matatanggap, para sa kanya ito ay isang basbas kung saan ang kanyang huling panalao laban kay Juan Manuel Marquez ay sarado na dahil marahil si Floyd Mayweather Jr. ay hindi sasang-ayon na makaharap siya kung ang labanan ay may pagkiling na sa kanya ang pabor.
Sabi ng napakatanyag na Philippine boxer na ang pagbabahagi ng kita sa labanan ay nasa ilalim ng talakayan pero ito ay nagpapahiwatig ng pagkahati sa 50-50. So Mayweather ay ang numero unong bilang pound-for-pound fighter hanggang siya ay huminto sa pakikipaglaban at ito ay napagtagumpayan ni Pacquiao.
Ngayon plano ng sumabak uli ni Mayweather sa aksyon at nagtangkang bawiin muli ang prestihiyosong karangalan sa larangan ng boxing, sa labanang Manny Pacquiao vs Floyd Mayweather Jr. Si Pacquiao na kilalang WBO at si Mayweather naman bilang WBC title holders, ay gumawa ng isang tunggalian na perpektong tugma ng pagbubuklod.
Sa isang hapunan na pinangunahan ng mga Pilipinong mamahayag sa Harbour View na restwaran sa Luneta noong Lunes, inihayag niya ang tungkol sa labanan nila ni Mayweather. Sa katunayan, sinuri pa niya ang kalendaryo para sa susunod na taon sa kanyang phone para ikumpirma na sa Mayo 5, kung kailan pista sa bansa ng Mexico- Cinco de Mayo – araw ng Sabado.
Ang petsa na Mayo 5, sa araw ng Sabado, kung kaya’t mapapanood ng ‘LIVE’ ang Pacquiao fight na malamang itatanghal sa Las Vegas. At tungkol naman sa iginiit ni Mayweather noon sa paraan na isasagawa para sa drug testing na dapat ay kagaya sa estilo ng Olympic, ayon kay Pacman hindi na ito ang isyu ngayon. Silang dalawa ni Mayweather ay sumang-ayon ng magpa-drug test sa prosesong itinakda ng governing state athletic commission.
Ayon kay Ruben Gomez, chief Second ng WBO flyweight champion sa Pilipinas na si Brian Viloria, at ang cutman ni Pacquiao sa kanyang mga nakaraang laban sa Amerika, ay mahirap daw talunin si Mayweather pero umasa siyang Pinoy pa rin ang mananalo! “ Hindi malupit si Mayweather” sabi ni Gomez.
“ Ginagamit lamang niya ang kanyang balikat para limitahan kung ano ang tatamaang suntok ng kanyang kalaban. Siya ay isang counterpuncher kagaya rin ni Marquez, pero sa tingin ko, maaaring masira ni Manny ang kanyang ganitong estilo ni Mayweather, sa pamamagitan ng kanyang bilis at lakas.”


para sa akin ok lng yon ksi nanalo parin c mani pacquiao sa laro…….full support prin ako sa kanyang pgkapanalo
may tiwala prin ako sa kang mani pacquiao sa kanyang abilidad sa pg boboksing……………ksi iba talaga ang pinoy